Sinegundahan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pag-kondena ni Vice President at Department of Education (DEPED) Secretary Sara Z. Duterte, sa pag-atake ng NPA malapit sa mga paaralan ng walang konsidersyon sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
Sa isang pahayagt, iginiit ng NTF-ELCAC na ang mga paaralan ay “peace zones” at ang paggamit sa mga ito bilang lugar para tambangan ang mga sundalo at pulis ay karapat-dapat kundenahin ng sambayanan.
Kasabay nito nagpahayag ng suporta ang NTF-ELCAC sa Bise Presidente sa pagtatanggol sa mga kabataan sa pamamagitan ng paglantad sa mga nagpapanggap na tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Ayon sa NTF-ELCAC, ang tunay na layunin mga grupong nagpapanggap na tagapagtanggol ng “marginalized sector” ay isulong ang kanilang political agenda upang maagaw ang kapangyarihan. | ulat ni Leo Sarne