Palalakasin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamumuno ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang kanilang maritime security efforts ngayong 2024.
Sa isang statement, nagpahayag ng determinasyon ang AFP na itaguyod ang soberanya ng Pilipinas sa malalawak na teritoryong pandagat ng bansa, at mapanatili ang matatag na presensya ng gobyerno sa mga naturang lugar.
Bukod pa rito, mas pahuhusayin pa ng pamunuan ng AFP ang pakikipagtulungan sa mga kaalyadong pwersa at mga bansang kaisa sa layuning itaguyod ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Sa kabila ng pagbibigay ng importansya sa external defense, siniguro ng AFP na hindi napapabayaan ang internal security operations upang tugunan ang iba’t ibang lokal na banta kabilang ang mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne