Ihahayag na sa susunod na linggo ng Department of Agriculture (DA) ang mga istratehiya nito para gawing moderno ang agrikultura gayundin mapalakas ang kapasidad ng produksyon ng farm sector sa domestic economy.
Nilalalyon din nito na mapabuti ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda pati na ang paglikha ng mas maraming trabaho.
Hinikayat ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga empleyado ng DA na tutukan ang hamon ng paggawa ng mas maraming pagkain para sa mga Pilipino.
Sa kabila nito na may kinakaharap ang bansa ng matagal na tagtuyot sa unang bahagi ng taon.
Sabi pa ng kalihim, sa pamamagitan ng pag-produce ng mas maraming locally products, mapapaliit ng Pilipinas ang humihikab na agricultural trade deficit ng bansa.
Ang perang ibinayad ng mga consumer para sa imported agricultural commodities ay maaaring mapunta sa bulsa ng mga magsasaka at mangingisda, at pamumuhunan sa gasolina sa agriculture sector na nagpapatrabaho ng apat sa bawat 10 Pilipino.| ulat ni Rey Ferrer