Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa banks at non-banks institutions na maging mapagbantay at sumunod sa ipinatutupad na Philippine Travel Rule o PHTR ukol sa Virtual Asset Service Providers o VASP.
Sa isang Memo na inilabas ng BSP, mahigpit na ipinag-uutos ng central bank sa mga BSP supervised financial institution na maging alerto sa pangangalaga ng sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng ligtas na interoperable transfer of information.
Anila, batid nila ang mga umiiral na hamon sa travel rule pero importante na mapangalagaan ang mga impormasyon na may kinalaman sa transaction thresholds, pinanggalingan ng virtual asset o digital unit na ginagamit bilang investment o kabayaran, pakikipag-transaction sa mga non-custodial na virtual asset provider, at transaction ng mga unhosted wallet.
Diin ng BSP ang lahat ng panuntunan sa virtual asset transfer ay kinukonsiderang mga cross border wire transfer.
Sa ilalim ng panuntunan, ang asset transfers na nagkakahalaga ng P50,000 o US$1,000 at kailangan ng accurate information ng pinanggalingan at recipient dahil may kaugnayan ito sa payment chain.
Ang travel rule requirement ay alinsunod ng rekomendasyon Paris-based Financial Action Task Force o FATF laban sa money laundering at bahagi ng pagpupursige ng Pilipinas na maalis sa “FATF gray list.” | ulat ni Melany Valdoz Reyes