Binigyang diing muli ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pangangailangan para sa modernisasyon ng Bureau of Immigration (BI) para matigil na ang korapsyon at mapaganda ang serbisyo nito sa publiko.
Kaugnay nito, may inihain na ang senador na Senate Bill 1185 o ang Bureau of Immigration Modernization bill.
Ayon kay Go, mahalaga ang panukalang ito dahil nakapaloob dito ang karagdagang mga tauhan at kompensasyon sa mga BI personnel.
Naniniwala ang senador, na sa tulong nito ay mawawala na ang temptasyon sa mga BI personnel na gumawa ng kung ano anong kalokohan para lang kumita ng pera.
Itinatakda ng panukala ang pagkakaroon ng isang Immigration Trust Fund at magmumula ito mula sa mga koleksyon ng BI.
Nakasaad rin sa naturang panukala ang pagpapabuti ng serbisyo para sa overseas Filipino workers (OFWs) na kadalasang nangangailangan ng gabay at suporta mula sa immigration. | ulat ni Nimfa Asuncon