Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng nagdaang bagyong Kabayan sa Caraga Region.
Sa ulat ng DSWD, kabuuan pang 186 family food packs ang ipinamahagi ng DSWD Caraga sa mga pamilya sa Munisipalidad ng San Luis, Agusan del Sur.
Ang Agusan del Sur ay isa sa mga lalawigan sa Mindanao na dinaanan ni bagyong Kabayan noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Sa kabuuan, umabot na sa 20,409 family food packs ang naipamahagi sa mga pamilya sa affected areas sa rehiyon. | ulat ni Rey Ferrer