Lady Solon, pinag-iingat ang publiko sa banta ng heat stroke ngayong tag-init

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaglalatag ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang bawat lokal na pamahalaan sa bansa ng mga hakbang para tugunan ang tindi ng init ngayong summer season.

Nagbabala si Legarda sa posibilidad ng heat stroke kasabay ng pagtaas ng heat index ngayong tag-init.

Ayon sa senadora, kailangang magkaroon na ng agarang mga aksyon gaya ng malawakang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa first aid measures sa heat stroke, pagpapadala ng LGUs ng babala tungkol sa init sa pamamagitan ng text messages at pagpapatunog ng siren warnings kapag ang temperatura ay humantong na sa mapanganib na lebel.

Pinatututukan din sa mga LGU ang kalagayan ng mga manggagawa na babad o bilad sa araw para hindi maging banta ang sobrang init sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Kabilang naman sa mga iminumungkahi ng mambabatas na paraan para mabawasan ang nararamdamang init ay ang pagtatanim ng mga maliliit na puno sa bawat lugar tulad ng kamuning at banaba na mabilis lang aniyang patubuin at makakatulong pa sa pagpapabuti ng air quality.

Isinusulong din ni Legarda ang pag-amyenda sa batas na Land Use Development and Infrastructure Plan (LUDIP) sa State Universities and Colleges (SUCs) at pagtutulak ng dagdag na panukala para sa green campuses sa primary at secondary levels. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us