Kabilang sa mga tinalakay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Indonesian President Joko Widodo ang kooperasyon para sa pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa.
Sa bilateral meeting nitong January 10, sinabi ni President Widodo na napagkasunduan nila ni Pangulong Marcos ang pagpapatuloy ng open market access sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa ganitong paraan, mapalalakas ang kalakalan ng Indonesia at Pilipinas.
Bukod dito, umapela rin ng suporta ang Jakarta sa Maynila, para sa special safeguard measures sa Indonesian coffee products.
“In the field of economy, in order to enhance trade we have agreed to continue to open market access and Indonesia seeks the Philippine’s support related to special safeguard measures on Indonesian coffee products.” —President Widodo.
Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang Indonesia sa tiwalang ipinagkaloob ng Pilipinas sa konstruksyon ng mga mahahalagang imprastruktura sa bansa, maging ang groundbreaking ng north-south commuter railway project.
“I also appreciate the Philippines’ trust in Indonesian SOEs in the construction of Philippines important infrastructure and the groundbreaking of the north-south commuter railway project which is important to be accelerated.” —President Widodo.| ulat ni Racquel Bayan