Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Indonesian President Jojo Widodo sa papel ng Indonesia sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad sa Mindanao, partikular sa BARMM.
Sa bilateral meeting ng dalawang lider sa Malacañang kahapon, January 10, sinabi ng pangulo na patuloy na inaani ng Mindanao ang resulta ng kapayapaan at demokrasya.
Umaasa si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng Indonesia ang pagpapaabot nila ng tulong, partikular ang pagtataguyod ng mga institutions sa pamamahala, sa BARMM.
“We also recognized Indonesia’s contribution to peace and development in the Southern Philippines. As Mindanao continues to reap the dividends of peace and democracy, we hope that Indonesia will continue to extend its helping hand to building the institutions of local governance, particularly in the Bangsamoro Autonomous Region.” —Pangulong Marcos.
Ginamit rin ng pangulo ang pagkakataon upang manawagan para sa pagpapabilis ng pag-kumpleto ng MOUs, na magbubukas ng economic potential sa rehiyon.
“We also took this opportunity to reiterate to our respective agencies that they must expedite the relevant MOUs that will help unlock the economic potential of BARMM to encourage development, particularly on the livelihood of our many constituents residing in the said region.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan