DND, nagpasalamat sa Pangulo sa pag-anunsyo ng 4 na karagdagang EDCA sites

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pag-anunsyo ng apat na karagdagang Enhanced Defense Cooperation Ageeement (EDCA) sites.

Ang mga ito ay ang: Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

Ayon sa kalihim, ito na lang ang hinihintay para makapag-rekomenda ng proyekto sa naturang mga lugar ang mga opisyal ng Pilipinas at Estados Unidos na popondohan ng US Congress.

Sinabi ng kalihim na makabuluhan ang mga napiling lugar sa aspetong panlababas na depensa at sa aspeto ng pag-deploy ng mga tropa para sa Humanitarian and Disaster Relied operations (HADR).

Partikular aniyang “strategic” ang lokasyon ng Balabac island sa kolektibong responsibilidad ng mga bansa sa rehiyon na pangalagaan ang “trade route” na dinadaanan ng trilyong dolyar na halaga ng kalakal.

Nilinaw naman ng kalihim na ang mga napiling karagdagang EDCA sites ay hindi ni-request ng Estados Unidos sa Pilipinas, bagkus ay kapwa napagkasunduan ng dalawang bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us