Inaprubahan ng Committee on Social Services and Development (CSSD) ng Bangsamoro Parliament ang BTA Bill No. 44 o ang Bangsamoro Mujahideen Under Special Circumstance Act of 2024, kahapon ng January 12, 2024 matapos ang masusing pagsusuri nito sa nasabing panukalang batas.
Nilalayon ng nasabing panukala na itatag ang Opisina ng Bangsamoro Mujahideen Under Special Circumstance na nakatuon sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front mujahideen na mga senior citizen at may mga special needs.
Prayoridad ng nasabing panukala ang MILF at MNLF mujahideen na dati ay nakilahok sa pakikibaka tungo sa karapatan sa sariling pagpapasya ng mga Bangsamoro sa loob ng hindi bababa sa dalawampung (20) taon sa pagitan ng taong 1969 hanggang 2014.
Ayon kay CSSD Chair Engr. Aida Silongan, layunin ng komite na maipasa ang panukalang batas bago matapos ang buwan.| ulat ni Johaniah N. Yusoph| RP1 Marawi