Tumulak ngayong gabi papuntang Brunei si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.upang dumalo sa kasal ni Royal Prince of Brunei, Prince Abdul Mateen at Yang Mulia Dayang Anisha Rosnah Binti Adam.
Si Pangulong Marcos Jr. ay inimbita ni Sultan of Brunei, Hassanal Bolkiah para dumalo sa nasabing pag-iisang dibdib ni Prince Mateen.
Makakasama ng Pangulo sa okasyon ang iba pang heads of state.
Babalik si Pangulong Marcos Jr. sa bansa bukas.
Ang pagdalo ng Pangulo sa royal wedding ay kahayagan ng malakas na bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at ng Brunei.| ulat ni Alvin Baltazar