Ibinahagi ni dating Department of Finance (DOF) Chief Benjamin Diokno ang kanyang pasasalamat sa nakaraang walong taon na paglilingkod nito sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan.
Sa mensahe ni Dokno, ang nakaraang walong taon ay naging tuloy-tuloy na paglilingkod nito partikular sa panahon ng pandemic mula sa Department of Budget and Management (DBM) at Bangko Sentral ng Pilipinas, at kamakailan sa DOF.
Inihayag din ni Diokno ang pagbabago sa kanyang focus ngayong natalaga na itong member ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Inaasahan naman ni Diokno na makapaglalaan ito ng mas maraming oras ngayong nasa “cooling down phase” na umano siya para bigyang daan ang kanyang personal at propesyonal na mga layunin na sinasabi niyang naantala nang mga nagdaang panahon. | ulat ni EJ Lazaro