Hahabulin at uusigin na ng Department of Migrant Workers (DMW) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang traffickers at illegal recruiters.
Isang kasunduan ang nilagdaan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac at AMLC Executive Director Matthew David para mapalakas ang kanilang partnership laban sa trafficking at illegal recruitment.
Magtutulungan ang dalawang ahensya para imbestigahan, usigin at kumpiskahin ang mga assets ng mga salarin.
Ang inisyatibang ito ay para maprotektahan ang kapakanan ng mga migrant workers.
Kaugnay nito, hinihimok ng DMW ang mga OFW-victims ng anumang krimen na may kaugnayan sa pananalapi na humingi ng libreng legal assistance mula sa DMW Migrant Workers Protection Bureau.
Maaari nilang gawin ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa social media platform ng DMW para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga nagkakasala. | ulat ni Rey Ferrer