Buo ang supporta ng Makati Business Club sa pagkakatalaga kay dating Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance (DOF).
Sa isang statement, sinabi ng Makati Business Club na tutulong kay Secretary Recto sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng MBC na malaki ang tiwala nila kay Secretary Recto dahil sa pagsisilbi niya sa National Economic and Development Authority (NEDA) at sa Kongreso at Senado, at pag-akda nito sa Expnded VAT Law o RA 9337 na bagay na malaki ang naiaambag sa ekonomiya ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio