Full support ang Department Trade and Industry (DTI)
sa pagkakatalaga kay dating Deputy Speaker Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, magiging katuwang ng bagong talagang kalihim ang kanilang kagawaran sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng kalihim na malaki ang karanasan ni Secretary Recto sa usapin ng finance management lalo na sa lagay ng ekonomiya ng bansa.
Samantala, nagpasalamat naman si Secretary Pascual sa naging ambag ni outgoing Secretary Benjamin Diokno sa DOF nitong nagdaang mga taon. | ulat ni AJ Ignacio