Umaasa ang Department of Energy (DOE) na tatangkilikin rin ng mga Dabawenyo ang electronic vehicle (e-vehicle) sa lungsod.
Ayon kay Dr. Adrian Mel Delola ng DOE Mindanao Field Office, bagaman bago pa lamang ito matapos o tuluyang maging batas ang Republic Act 11697 o ang Electric Vehicle Industry Development Act (EVIDA), umaasa pa rin ang ahensya na tatangkilikin ang e-vehicle lalo na’t makatitipid ang mga motorista dito dahil sa low running at maintenance cost.
Base sa datos, nasa 9,666 e-vehicle na ang rehistrado simula noong taong 2022 kung saan pinakamarami ay motorsiklo at tricycle na nasa 8,105 na at 1,168 naman na mga SUVs.
Ang EVIDA ay alinsunod sa policy direction ng pamahalaan sa energy efficiency, conservation, sufficiency, at sustainability. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao