Pumalo sa P30.1 billion na halaga ng health emergency allowance (HEA) claims ng mga healthcare at non- healthcare workers ang naipamahagi ng pamahalaan nitong 2023.
Ito ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay sa pagpapaabot ng nararapat na suporta sa mga makabagong bayani ng bansa, lalo na iyong mga nasa health at medical field.
Bahagi aniya ng commitment ng administrasyon ang pagbibigay ng financial support sa mga healthcare at non-healthcare workers, lalo’t sila ang kinapitan ng bansa noong kasagsagan ng pagtama ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
“Parte po ng commitment ni Pangulong Bongbong Marcos ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng financial support sa ating mga healthcare at non-healthcare workers. They deserve all our care and support dahil noong oras na tayo ang nangangailangan sa kanila, they risked their lives and safety just to save and care for us,” —Secretary Pangandaman.
Ngayong 2024 naman, nasa P18.96 billion ang pondo na inilaan sa ilalim ng 2024 National Budget, para sa health claims ng healthcare workers.
Ibig sabihin, nasa P14.88 billion na lamang ang natitirang balanse mula sa kabuuang P88.14 billion na kinakailangang halaga para sa implementasyon ng programa.
“We will endeavor to release the balance, as well as the unfunded HEA claims of roughly P14 billion to fulfill the commitment of President Bongbong Marcos in his SONA,” —Secretary Pangandaman. | ulat ni Racquel Bayan