Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa ilang bayan ng Davao de Oro dahil sa walang tigil na ulan bunsod ng shear line.
Una na nang binigyan ng pahintulot ni Davao de Oro, Gov. Dorothy P. Montejo- Gonzaga ang local chief executives na magdeklara ng suspension ng klase at trabaho dahil sa epekto ng sama ng panahon.
Kabilang sa mga nagsuspende ng klase ay ang bayan ng Mabini, New Bataan, Compostela, Nabunturan, Monkayo, Montevista, Maco, Mawab, at Maragusan.
Habang suspedido rin ang trabaho sa mga government offices sa New Bataan, Compostela, Maco, Mawab, at Maragusan.
Patuloy naman na pinag-iingat ng provincial government ang publiko sa posibilidad ng landslide at pagbaha.
Una nang naglabas ng Orange Rainfall Warning ang Pag-asa sa Davao de Oro at Davao Oriental na nagbabanta ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao