Naglabas ng Memorandum Order no. 018-2024 ngayong umaga si Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel sa lahat ng municipal mayors ng lalawigan na maging handa at alerto dahil sa masamang panahon na nararanasan ngayon at batay sa inilabas na Orange Rainfall Warning at General Flood Advisory mula sa PAGASA.
Kaugnay sa nasabing memorandum ay nasa mga punong ehekutibo ang pagpasya kung mag suspende ng klase sa nasasakupan nila. Sa kasalukuyan ay naglabas na ng kautusan ng suspension of classes ngayong araw, Enero 16 sa lahat ng antas, pribado at pampublikong mga paaralan ang Tandag City, Bislig City, mga bayan ng San Miguel, Cantilan at Carrascal.
Samantala, patuloy na naka alerto at naka monitor ang lahat ng Local DRRM Offices dahil patuloy pa rin ang epekto ng shear line sa buong lalawigan, kung kaya’t mahigpit rin na ipinagbabawal ang pagngingisda at paglalayag ng mga maliliit na bangka. | ulat ni Nerissa Espinosa | RP1 Tandag
📷: LGU Carmen; San Miguel