Malaysian gov’t, handang makipagtulungan sa Pilipinas sa usapin ng connectivity at cybersecurity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang bansang Malaysia na palawakin ang kooperasyon nito sa Pilipinas pagdating sa usapin ng connectivity, digital government, at cybersecurity.

Kasama ito sa naging diskusyon sa pulong nina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy at Malaysian Ambassador to the Philippines H.E. Dato’ Abdul Malik Melvin Castelino at kanyang delegasyon.

Ayon sa DICT, kasama sa natalakay sa pulong, ay ang ongoing na negosasyon sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa bansang Malaysia sa ilang critial digital areas.

Napag-usapan din ang pagpapaigting ng ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng Malaysia Digital Economy Corporation (MDEC) at ang advancements sa Artificial Intelligence (AI), at financial technology (FinTech) platforms. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us