Maling pagsasalarawan sa kasaysayan ng BARMM sa isang pagtatanghal sa Sinulog Festival, ikinalungkot ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalungkot ni Basilan Representative Mujiv Hataman ang aniya’y maling paglalarawan sa kasaysayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagtatanghal ng Cebu Technological University (CTU) sa Sinulog festival.

Ayon sa mambabatas, kapuri-puri naman ang hangaring ipakita ang iba’t ibang kultura ng mga rehiyon sa bansa, ngunit ito aniya ay dapat makatotohanan.

Sa naturang pagtatanghal kasi, hawak-hawak ng sumasayaw ang imahe o rebulto na simbolo ng ibang pananampalataya.

Paglilinaw ni Hataman, walang kahit na anong opisyal na historical account na ang mga mamamayan ng Bangsamoro ay napasailalim sa colonial rule ng mga Kastila.

“Nakikita natin ang galing at talento ng mga kabataang nakibahagi sa performance na ito, at wala naman tayong duda na maganda ang intensyon ng lahat ng lumahok sa naturang sayaw. Pero nais sana nating itama ang konteksto at nilalaman ng dance performance na ito,” sabi ni Hataman.

Paalala ng mambabatas na mahalaga ang wastong pagkilala sa kasaysayan ng anomang sining, kultura, o tradisyon.

Umaasa naman si Hataman na magsilbing aral ang pangyayaring ito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us