Iniulat ni Education Usec. Michael Poa sa House Committee on Basic Education and Cultrue na 99.05% nang nailipat ng Transpac Cargo ang mga nabalam na learning materials patungo sa iba’t ibang DepEd division offices.
Nagpatawag ng briefing ang komite para alamin ang estado ng bilyong pisong halaga ng learning materials na hindi agad nai-deliver ng Transpac dahil sa problema sa pagababayad.
Sabi ni Poa na ang natitirang deliverables ay maihahatid na sa loob ng linggong ito.
23% naman ng nai-deliver na resources sa divison offices ang naipamahagi na sa mga eskuwelahan at inaasahan na matatapos ang lahat sa unang quarter ng 2024.
Ayon naman kay Pasig Rep. Roman Romulo, chair ng komite, babantayan nila ang delivery ng nalalabing 1%.
Bagamat kuntento na ang komite sa aksyon ng DepEd at Transpac ay tuloy pa rin ang hiwalay naman na imbestigasyon ng House Committee on Public Accounts at Basic Education para silipin ang naturang usapin salig sa House Resolution 1516.
Dahil dito pinasusumite ng komite ang framework agreement ng kasunduan pati na ang call off contracts, bidding documents at financial statements. | ulat ni Kathleen Jean Forbes