QC local gov’t, naka-monitor sa transport caravan ng grupong MANIBELA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na ang Quezon City Local Government sa sitwasyon sa mga kalsada sa lungsod ngayong may transport caravan ang grupong MANIBELA.

Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas, inatasan na nito ang mga enforcer na bantayan ang daloy ng trapiko sa mga lugar na dadaanan ng protesta kabilang ang bahagi ng UP Diliman kung saan magtitipon-tipon ang mga ito pati na ang kalsada sa tapat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, kahabaan ng Quezon Avenue, at Welcome Rotonda.

Ayon kay Cardenas, titiyakin nilang hindi maapektuhan ang mga motorista at hindi mahaharangan ang kalsada sa protesta ng transport group.

Kaugnay nito, nananatili rin aniyang nakahanda ang mga karagdagang Libreng Sakay Bus ng pamahalaang lungsod kung sakali mang may mga pasaherong maapektuhan ng transport caravan.

Bukod pa ito sa 90 bus ng LGU na araw-araw nagbibigay ng libreng sakay sa walong ruta kahit na walang transport strike. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us