Patuloy na isinasagawang modernisasyon ng Bureau of Immigrations sa eTravel System nito dahil sa inaasahang dagsa ng mga dayuhang turista ngayong taon.
Ayon kay Bureau of Immigrations Commissioner Norman Tansingco, patuloy ang kanilang paghahanda sa pagmodernisa ng sistema sa borderr control lalo na’t inaasahan ng Department of Tourism ang pagdagsa ng mga dayuhang turista sa bansa.
Kaugnay nito, inihahanda na ng BI ang bagong immigration process ng cruise ships na dadaong sa bansa upang mapabilis ang proseso ng pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Sa huli, muling siniguro ng BI na gagawin nila ang lahat upang maging maayos ang immigration process ng Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio