Pagsisikapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tapusin ang laban kontra sa NPA sa taong ito.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa AFP Command Conference kahapon sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang pahayag ng AFP Chief ay kasunod ng pagkumpirma sa iniulat ng Pangulo na 11 na lang ang napahinang guerilla front ng NPA at wala nang aktibong guerilla front sa lahat ng rehiyon ng bansa.
Base sa mga report na ibinigay ng mga military ground commander, sinabi ni Brawner na nasa 1,500 nalang ang mga nalalabing miyembro ng NPA.
Ito aniya ay binubuo ng mga maliliit na grupo na lang ng mga “straggler” na nagsisikap na mag-regroup.
Kaya aniya binigyan ang mga ground commander ng mga bagong direktiba upang tuluyang matalo ang mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne