Inilunsad ng Philippine Air Force (PAF) at PTT Philippines Foundation Incorporated ang kanilang “Paaral Program” sa PTT Philippines Corporate Office sa Makati City kahapon.
Layon ng “Paaral Program” na pagkalooban ng school supplies ang 2,000 mag-aaral sa mga paaralang suportado ng PAF sa iba’t ibang komunidad.
Bahagi rin ng programa ang pagkakaloob ng suporta sa Supreme Student Council Society of the Philippines, bilang pagkilala sa mahalagang papel nito sa “student leadership and development.”
Ang launching ceremony ay pinangunahan ni Major General Teofilo R. Bailon Jr. PAF, ang Acting Chief of Air Staff ng PAF, at Mr. Paul Patricio Senador, ang Pangulo ng PTT Philippines Foundation Inc.
Ang seremonya ay dinaluhan ni Ambassador of the Kingdom of Thailand to the Philippines, His Excellency Tull Traisorat; Khun Sukanya Seriyothin, President and CEO ng PTT Philippines Corporation; at iba pang matatas na opisyal ng PTT Group. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF