Kaalinsabay ng pagpapaigting ng cybersecurity, paiigtingin din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kampanya kontra disinformation at minsinformation.
Ito ang inihayag ng bagong tagapagsalita ng AFP na si Col. Francel Bernadeth Padilla na minsan nang kinilala bilang mahusay sa larangan ng cybersecurity.
Ayon kay Col. Padilla, mahalaga ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa panahong ito na kumakalat ng disinformation at misinformation na nakaaapekto sa pag-usad ng bansa.
Naka-angkla aniya ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang cybersecurity lalo’t puspusan na ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan patungo sa digitalization.
Bago maitalaga bilang tagapagsalita ng AFP, kabilang si Col. Padilla sa mga kinilala bilang Cybersecurity Woman of the Year 2023 ng AFP. | ulat ni Jaymark Dagala