Walang patid ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa ilalim ng Medical Access Program ng ahensya.
Sa tala ng PCSO, umabot sa P1.8 bilyon ang halaga ng tulong at serbisyong medikal ang kanilang naipamahagi noong December 2023.
Sa bilang na ito, nasa 268,538 na mga pasyente ang natulungan sa National Capital Region, Northern and Central Luzon, Southern Tagalog at Bicol Region, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa PCSO, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng kanilang tulong at serbisyong medikal para sa mga kababayan nating nangangailangan.
Nagpasalamat naman ang PCSO sa publiko dahil sa kanilang patuloy na pagtangkilik sa mga palaro ng ahensya.| ulat ni Diane Lear