Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na papanagutin ang mga nasa likod ng panghaharang sa mga pasahero sa isinasagawang kilos protesta ng grupong Manibela.
Ginawa ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ang pahayag, kasunod ng ulat ng panghaharang sa mga sasakyan partikular ang mga papasok ng Metro Manila mula sa mga kalapit probinsya.
Giit pa ni Guadiz na hindi kinukunsinte ng ahensya ang ganitong gawain na makakaapekto sa kanilang kabuhayan o pag-aaral.
Labag aniya ito sa layunin ng LTFRB na magbigay ng ligtas, maginhawa, at maayos na paglalakbay para sa commuting public.
Kaugnay nito, hinihimok ng LTFRB ang mga nagpoprotesta na huwag hadlangan ang ibang mga jeepney driver na naghanap-buhay para sa kanilang pamilya at mga pasahero.| ulat ni Rey Ferrer