Tinatayang nasa Php93 billion na pondo ang kailangan para sa pagpapa-igtinging ng pamahalaan ng post-harvest system ng Pilipinas.
Bahagi ito ng implementasyon ng three year plan ng Department of Agriculture (DA) na layong palakasin ang produksyon ng agri-fishery areas at isa-moderno ang agri-fishery production system at infra development ng bansa.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu na ang hakbang na ito ang daan upang makatipid ng Php10.7 billion ang bansa, mula sa mga bigas at mais na nasasayang kada taon.
Nasa 12.7 to 15% ng rice production sa bansa kasi aniya ang nawawala, dahil sa kakulangan ng post-harvest facility sa bansa.
“Sa rice and corn pa lang na post-harvest, 93 billion na eh. Sa cold storage, my budget this year is only one billion so ipo-focus ko lahat iyon sa apat na cold storage to address that vegetable issue – but that can only cover part of Luzon.” —Secretary Laurel.
Sabi ng kalihim, sa 2025, mangangailangan ng karagdagang Php5 billion, upang matugunan naman ang usapin sa cold storage facility para sa gulay.
“So, if we try to solve the problem as soon as possible, assuming 2025… I need additional five billion to address the vegetable cold storage issue of the whole nation.” —Secretary Laurel.| ulat ni Racquel Bayan