Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) ang suporta nito sa mga proyekto at programa ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni Meralco Executive Vice President at Chief Operating Officer Ronnie Aperecho sa kaniyang courtesy call kay PNP Chief General Benjamin Acorda Jr.
Kabilang sa natalakay sa pulong ang pagtitiyak ng maintenance sa mga pasilidad ng Meralco sa mga kampo ng PNP.
Nagbigay din ng mga kagamitan ang Meralco para sa modernization effort ng PNP gaya ng 100 ICT equipment kabilang na ang mga computer at printer.
Binigyang diin din ng PNP ang kahalagahan ng pakikipatulungan sa Meralco sa kanilang community engagement project sa gaya ng pagpapailaw sa mga malalayog komunidad, wire clearing operations, at outreach programs. | ulat ni Diane Lear