Inanunsyo ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan ang pagkaaresto ng 63 wanted persons na matagal ng pinaghahanap ng pulisya.
Nahuli ang mga wanted persons sa loob lang ng isang linggong pinaigting na manhunt operations mula Enero 8 hanggang 15, ngayong taon.
Sa kabuuang bilang, 31 ang natukoy na most wanted at ang 32 iba pa ay mga wanted persons sa iba’t ibang pagkakasala.
Ang mga tauhan ng La Loma Police Station ang nakahuli sa 31 most wanted individuals, sinundan ng Anonas Police Station (PS 9) at Project 6 Police Station (PS 15).
Naimpormahan na ng QCPD ang mga iba’t ibang korte na nag-isyu ng warrant of arrests kaugnay ng pagkahuli ng wanted persons.
Binigyang diin pa ni General Maranan na ang pagkahuli sa mga wanted persons ay nagpapakita lang kung gaano kahigpit ang kampanya ng QCPD para hanapin at dakpin ang mga pinaghahanap ng batas.| ulat ni Rey Ferrer