Aabot sa 106 na bagong traffic enforcers ang nadagdag sa pwersa ngayon ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) na magpapatupad ng batas trapiko sa lungsod.
Kasunod ito ng isinagawang commencement exercises ng Class Mapagbigay, Class Malingap at Class Masinop na pinangunahan ni Traffic and Transport Management Department (TTMD) Chief Dexter Cardenas at Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo.
Sumailalim ang mga ito sa dalawang buwang pagsasanay sa ilalim ng comprehensive basic traffic management training course.
Ayon sa pamahalaang lungsod, makakatuwang ang mga bagong graduate na traffic enforcer para matiyak na ligtas at sumusunod sa batas ang mga pedestrian at motorista sa mga lansangan sa Quezon City. | ulat ni Merry Ann Bastasa