Welcome kay House Majority Leader Mannix Dalipe ang naging desisyon ng Senado na itulak na rin ng pag-amyenda ng saligang batas.
Aniya malaking bagay na umayon na rin ang Senado sa matagal nang isinusulong ng Kamara na amyendahan ang konstitusyon.
“In an extraordinary development for our nation, the Senate has finally seen the light, embracing the House’s longstanding belief in the necessity of constitutional amendments. This newfound unity between the two legislative bodies signifies a significant stride forward for our country,” sabi ni Dalipe.
Pinuri ni Dalipe ang pagkilala ng Senado sa kagyat na pangangailangan at kahalagahan na mabago ang saligang batas na para aniya sa kapakanan ng publiko.
Kinilala din ng Majority leader ang naging hakbang ni Senate President Juan Miguel Zubiri na makakuha ng sapat na suporta mula sa mga kasamahang senador at ang commitment na mapagtibay ang mga ipinapanukalang amyenda sa unang quarter ng 2024.
“The alignment of the Senate and the House in amending the Constitution not only exemplifies legislative cooperation but also reinforces our dedication to advancing the welfare of our nation. We are encouraged by the Senate’s acknowledgement of the House’s position and look forward to collaborating closely to ensure the effective passage and implementation of these constitutional amendments,” sabi pa niya.| ulat ni Kathleen Forbes