Simula ngayong araw, Enero 16 hanggang 24, 2024, panalsamantala munang isinara ang isang kalye sa Barangay Dalandanan sa Valenzuela City.
Sa traffic advisory ng Valenzuela City government, hindi muna padadaanan sa mga sasakyan at pedestrian ang S. Bernardino St. sa Sumilang Subdivision corner MacArthur Highway.
Ayon sa abiso, may construction activities na isasagawa sa apektadong lugar para sa North-South Commuter Railway Project ng Department of Transportaion (DOTr).
Pinapayuhan ang publiko na gamitin muna ang mga itinalagang alternatibong ruta.
Para sa mga light vehicles, maaari muna silang dumaan sa C. Santiago St. hanggang Atis St., Antonio Subdivision at vice versa.
Para naman sa mga pedestrian, maaari silang dumaan sa Atis St. sa San Antonio Subdivison.| ulat ni Rey Ferrer