Isasagawa bukas, January 17, ang British Chamber of Commerce Philippines 8th Joint Economic Briefing.
Nakatakdang talakayin ang forecasted growth ng bansa para ngayong taon 2024 sa pamamagitan ng free trade agreements at infrastructure developments through Public-Private Partnerships.
Tatalakayin din ang mga trade policies and legislation to sustainable economic development, investment opportunities sa bansa, assessment ng mga Foreign Direct Investments.
Ang economic briefing ay may temang “Fostering Economic Resilience Through Sustainability and infrastructure” ay dadaluhan din ng mga kinatawan mula sa Chamber of Commerce ng Netherlands, France, Spain, Germany, Sweden, Denmark, Norway at Finland.
Kabilang sa mga speakers ay mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Energy (DOE), National Economic and Development Authority (NEDA) at ilan mula sa pribadong sector.| ulat ni Melany V. Reyes