Nakatanggap ang Bacnotan Hog Raisers Association Inc. ng P500,000 na halaga ng meat processing project mula sa Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ginanap ang simpleng programa sa Agri-tourism Trading Center ng Bacnotan, La Union kahapon, Enero 16, 2024.
Personal na iniabot ni DOLE La Union Field Office Chief Veronica A. Corsino ang cheke na nagkakahalaga ng P500,000.00 na gagamitin ng asosasyon na pambili ng mga kagamitan sa meat processing.
Kasabay nito, hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan ang mga miyembro ng asosasyon na palaguin ang ibinigay ng DOLE at tiyakin na ligtas at masustansiya ang mga pork-products na nanggagaling sa kanilang bayan.
Tiniyak naman ng mga hog raisers na kanilang iingatan ang ipinagkaloob ng DOLE at gagawin ang kanilang buong makakaya para lumago ang kanilang kabuhayan.| ulat ni Glenda B. Sarac | RP1 Agoo
📷LGU Bacnotan, La Union