Tiniyak ng gobyerno na may ginagawa silang hakbang upang tulungan ang mga magsasakang hindi na maibagsak pa ang kanilang inaning gulay sa mga pamilihan dahil sa over supply.
Sa Malacanang briefing, inihayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na naghahanap sila ng kaparaanan sa kasalukuyan para makapag- bigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka.
Trabaho aniya ito ng gobyerno at kumikilos na ang kanilang team sa Department of Agriculture para sa posibilidad na makatulong sa mga apektado Pinoy farmers ng labis- labis na dami ng ani ng kanilang produktong gulay
Paniniguro ni Laurel, gagawin nila ang buo nilang makakaya para makatulong sa harap ng itinatakda sa kanilang mandato.
Base sa ulat, bagsak ang presyo ng mga gulay sa highland ngayon tulad ng repolyo, kung saan pinipili ng ilan sa mga magsasaka na itapon nalang ang kanilang mga stock dahil hindi na umano tinatanggap ng mga pamilihan sa sobrang dami ng suplay. | ulat ni Alvin Baltazar