Tuloy tuloy pa rin ang pagpaaabot ng tulong ng Department of Social Welfare and Development sa pamilya ng mga mangingisdang naapektuhan ng shear line sa Bicol Region.
Ayon sa DSWD, puspusan pa rin ang pamamahagi ng DSWD Bicol ng humanitarian assistance sa mga apektado.
Kabilang dito ang 948 family food packs (FFPs) na ipinamahagi sa mga mangingisda mula sa Barangay Dahican at Nakalaya, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Una na ring naghatid ang ahensya ng family food packs sa mga apektado mula sa Barangay Polunguit at Kagtalaba, sa Santa Elena, Camarines Norte.
Tiniyak naman ng DSWD V na sapat ang mga nakapreposisyon nitong ayuda sakaling matagalan pa ang epekto ng shear line. | ulat ni Merry Ann Bastasa