Nakatanggap na ng inisyal na kopya ng mga lagda ang Commission on Elections (COMELEC) para sa People’s Initiative (PI), pangangalap ng pirma para sa charter change.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, sa ngayon ay hawak na nila ng signature forms para sa People’s Initiative mula sa 300 lugar sa buong bansa.
Ang mga natanggap na forms ng COMELEC ay mula sa:
- Sogod Southern Leyte
- Tolosa, Baybay City, at Babatngon, Leyte
- Calbayog City
- Pinabacdao, Jiabong, Sta. Rita, at Gandara, Samar
- Manila 3rd District
Samantala, wala pang pormal na petisyong nakahain sa COMELEC laban sa People’s Initiative.| ulat ni Mike Rogas