Sa pinakahuling report ng Office of Civil Defense (OCD)- XI, aabot na sa 44,888 na pamilya ang apektado ng mga pagbaha dulot ng nararanasang pag-ulan sa Davao Region.
Batay sa talaan ng OCD XI, sa naturang bilang, 1,990 na pamilya o 6,709 na indbidwal ang inilikas sa mga evacuation center.
May pinakamaraming evacuees sa Davao de Oro na may bilang na 1,489 na pamilya; 294 families Davao Oriental; habang 267 families sa Davao del Norte.
Samantala, dalawang tulay naman ang hindi pa madadaanan hanggang sa mga oras na ito, partikular ang Fatima Bridge sa bayan ng New Bataan sa Davao de Oro, at San Pedro Bridge sa Caraga sa Davao Oriental na pawang totally damaged.
Sa ngayon, nakapagbigay na ng 4,179 na mga family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD XI) sa mga apektadong pamilya.
Nagdeklara naman ng State of Calamity ang Barangay Cambanagoy sa bayan ng Asuncion sa Davao del Norte dahil sa tindi ng epekto ng pagbaha sa naturang lugar.| ulat ni Maymay Benedicto| RP1 Davao