Nasamsam ng National Bureau of Investigation – Cordillera Regional Office (NBI-CAR) at Philippine Drug Enforcement Agency-CAR ang 40,500 piraso ng fully grown marijuana plants.
Ayon sa ulat, tinatayang nagkakahalaga ng Php 8,100,000.00, ang nadiskubreng marijuana na nilinang sa 15 plantasyon sa Kibungan, Benguet.
Bago ang pagsalakay, isang impormasyon ang natanggap ng NBI-CAR tungkol sa isang plantasyon ng marijuana na handa nang anihin ngayong buwan.
Magkasanib na sinalakay ng mga operatiba ng NBI-CAR at PDEA-CAR ang plantasyon ng marijuana pero hindi na naabutan ang mga nagsasaka o nagtatanim ng ipinagbabawal na pananim.| ulat ni Rey Ferrer