Nilinaw ni Camarines Sur 3rd district Rep. Gabriel Bordado Jr. na hindi awtorisado ang pagkakasama sa kaniya bilang petitioner na kumukuwestyon sa legalidad ng dagdag na unprogrammed appropriations sa 2024 General Appropriations Act.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bordado na habang inaaral nito ang petisyon, isang senior staff ang nagpadala ng kaniyang e-signature sa tanggapan ni Albay Rep. Edcel Lagman ng wala ang kaniyang pahintulot kaya’t inakala nito na sumusuporta siya sa petisyon.
Gayunman sinabi ng mambabatas na nais niyang malinawan ang ilang isyu gaya ng paglalagay ng safeguard sa unprogrammed funds upang matiyak wasto ang paggamit nito.
Punto ng Bicolano lawmaker maaaring kailangan ang unprogrammed funds upang magtuloy-tuloy ang economic activities sa bansa.
Isa aniya sa maaaring paggamitan nito ay ang pagbuhay sa PNR-Bicol Expressway.
Gayundin aay sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura na hindi kayang pondohan sa ilalim ng programmed appropriations ng GAA. | ulat ni Kathleen Forbes