Kapwa nanindigan sina Albay 2nd district Rep. Joey Salceda at Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers na dapat ipagpatuloy pa rin ng People’s Initiative kahit pa naghain na ang Senado ng resolusyon para magpatawag ng Constituent Assembly para ameyendahan ang economic provisions ng Saligang Batas.
Ayon kay Salceda na chairperson ng Ways and Means Committee, bagamat suportado niya ang pagpapatawag ng ConAss, ay dapat hayaan lang gumulong ang PI lalo at nakakuha na aniya ito ng momentum.
“I think we should allow the PI to reach its natural course, to reach its local conclusion…it’s beyond any politician to stop,” sabi ni Salceda
Sa panig naman ni Barbers na chair ng Dangerous Drugs Committee, sinabi niya na sakaling pumasa ang Resolution of Both Houses No. 6 na inihain ng Senado sa pamamagitan ng ConAss, may posibilidad na kuwestyunin ang pamamaraang ginamit sa Korte Suprema at baka masayang lang.
“Should we go ahead and consider RBH No.6, and granting for the sake of argument that it passes, the method used by Congress in passing it may be questioned in the Supreme Court and may therefore put to waste all the resources and time spent on it. It is therefore my suggestion to my colleagues to study this well before jumping into the fray. In the meantime, let the [PI] continue so we can see and hear the sentiments of our sovereign people,” saad ni Barbers.
Ang PI at ConAss ay dalawa sa pamamaran na maaaring amyendahan ang 1987 constitution. | ulat ni Kathleen Forbes