Benepisyong matatanggap ng PAGIBIG members, du-doble sa oras na itaas na ang konstribusyon nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na du-doble ang benepisyong matatamasa ng mga miyembro ng PAGIBIG Fund sa oras na magsimula na ang 100% increase ng contribution ng mga miyembro nito sa Pebrero.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAGIBIG Deputy Chief Executive Officer Alexander Aguilar na ang minimum na ipon ng mga miyembro nito sa loob ng 20 taon, o iyong maturity benefit na ngayon ay nasa P87,000 ay aakyat na sa P174, 000.

Ang cash loans o multi-purpose loan na maaaring mahiram ng mga miyembro nito na nasa P22,000 sa kasalukuyan ay aakyat pa sa P44,000.

Sa oras na maitaas na ang kontribusyon ng mga miyembro nito, aakyat rin sa P38 billion ang karagdagang pondo ng tanggapan na makakatulong naman upang manatiling mababa ang interest ng housing loans para sa mga miyembro nito.

“In the last five years, patuloy ang pagtaas ng dami ng humihiram sa Pag-IBIG Fund. Kaya itong karagdagang pondo pong ito, mapapanatili po natin ang mababang interes sa pautang po sa housing loans ng ating mga mahal na miyembro.” —Aguilar | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us