Muling binuhay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang Counter Intelligence Group (AFPCIG).
Si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang nanguna sa re-activation ceremony ng grupo sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo kahapon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni General Brawner ang mahalagang papel ng AFPCIG sa pangangalaga ng seguridad ng bansa sa gitna ng mga pagbabago sa security landscape ng buong mundo.
Inengganyo ni General Brawner ang mga tauhan ng AFPCIG na pagsikapang makamit ang “excellence,” maging bukas sa inobasyon, at itaguyod ang pinakamataas na antas ng integridad.
Nagpahayag naman ng pagtitiwala si Gen. Brawner na dahil sa kapabilidad ng AFPCIG ay mapipigilan ang lahat ng banta at mapapangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP