Inirekomenda na ng Davao del Norte Provincial Government ang pagsailalim sa buong probinsya sa state of calamity dahil sa tindi ng epekto ng pagbahang naranasan sa maraming bayan sa probinsya.
Ayon kay Davao del Norte Governor Edwin Jubajib, una nang nagdeklara ng state of calamity ang nga bayan ng B.E. Dujali, Carmen, New Corella at Tagum Ciyu na lubos na naapektohan ng pagbahang dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan simula noong Lunes, January 16.
Sa record ng PLGU, aabot na sa mahigit 48,000 na pamilya o mahigit 252,000 na mga indibidwal ang naitalang apektado sa anim na bayan at dalawang syudad na kinabibilangan ng Panabo at Tagum City, Carmen, B.E. Dujali, Asuncion, New Corella, Kapalong, at Sto. Tomas.
May ilang barangay naman ang binaha sa Island Garden City of Samal, habang matinding landslide ang nakaapekto sa bayan ng Talaingod at San Isidro.
Samantala, nakapagtala ang PLGU ng inisyal P11M na halaga ng danyos sa agrikultura sa 480 na ektarya na farmland, kung saan aabot sa may 500 magsasaka ang apektado.
Ayon kay Governor Jubajib, nakatakdang magsagawa special session ang Sangguniang Panlalawigan ngayong para sa pag-apruba ng inirekomendang pag-declare ng state of calamity.
Ito’y upang masmapabilis ang pagresponde sa mga pangangailangan ng mga apektadong apektado ng baha sa pamamagitan ng calamity fund ng probinsya. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao