Pinarangalan ng Provincial Government of La Union (PGLU) ang Most Eco-friendly na opisina sa Kapitolyo ng lalawigan.
Alinsunod ito sa pagdiriwang ng National Zero Waste Month ngayong Enero.
Ginawaran ng parangal ang Sangguniang Panlalawigan at Office of the Provincial Vice Governor bilang Most Eco-friendly PGLU Offices.
Kinilala din ang Office of the Provincial Agriculturist, Office of the Provincial Veterinarian, Office of Provincial Planning and Development Coordinator, and Bids and Awards Committee.
Nakatanggap ang mga awardees ng cash prizes at plaque of recognition.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Provincial Administrator Francisco Emmanuel Ortega III, Civil Service Commission Region 1 Assistant Regional Director Cornelia M. Rillera, at Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) Assistant Department Head EnP. Annalyn Rosario-Valdez.
Ito ang kauna-unahang Search for the Most Eco-Friendly PGLU Offices, layunin nitong tingnan ang pagsunod ng mga opisina sa kapitolyo sa wastong environmental management.| ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo
📷 PGLU