Hindi papayagan ng Aklan Police Provincial Office na masira ang pagdiriwang ng Ati-Atihan Festival dahil sa nangyaring rambol Huwebes ng gabi, Enero 18.
Sa opisyal na pahayag ng Aklan PPO, isang masusing imbestigasyon ang ginagawa ng kapulisan para malaman kung ano ang pinagmulan ng gulo.
Sasampahan din ng kaso ayon sa Aklan PPO ang mga indibidwal na sangkot sa gulo.
Samantala magpapalabas ng Executive Order si Kalibo Mayor Juris Sacro na nagbaban sa dalawang grupo na makilahok sa mga sadsad at merrymaking activities sa Ati-Atihan Festival.
Ayon sa alkalde, ang nasabing hakbang ay para mapreserba ang sanctity ng kanilang taunang tradisyon sa Kalibo, Aklan.
Viral sa social media ang rambol na naganap sa pagitan ng dalawang grupo ng drum and lyre habang nagmemerry making sa C. Laserna St. Kalibo, Aklan. | ulat ni Paul Tarrosa | Radyo Pilipinas Iloilo